Home NATIONWIDE Wala pang Interpol red notice vs Harry Roque

Wala pang Interpol red notice vs Harry Roque

92
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ni Interior Secretary Juanito Victor Remulla nitong Lunes, Abril 13 na wala pang Interpol red notice laban kay dating presidential spokesperson Harry Roque.

“Si Harry naman ay cancelled na ang passport niya pero wala pa siyang red notice,” sinabi ni Remulla sa isang press briefing.

Ang Interpol red notice ay isang international alert na inilalabas sa pamamagitan ng Interpol na humihiling sa mga awtoridad sa buong bansa na tuntunin o arestuhin ang isang tao na wanted sa member country.

Nilinaw din ni Remulla ang naunang pahayag tungkol sa posibleng pag-aresto kay Roque at iginiit na hindi ang personal na aksyon sa kanyang bahagi ang kanyang tinutukoy.

“When I say ‘personally arrest,’ hindi ko sinabi ako ang aaresto. Wala naman akong authority dyan. So we will coordinate with the necessary authorities para gawin ‘yan.”

Si Roque, ay nahaharap sa human trafficking case kaugnay sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Pampanga.

Sa kabila ng personal na relasyon kay Roque, sinabi ni Remulla na patuloy pa rin nitong gagampanan ang trabaho bilang Interior secretary.

“We have a very close relationship pero hindi puwedeng isakripisyo ang aking responsibilidad bilang secretary dahil sa aming pagkakaibigan,” aniya.

“So procedures will be followed. And all proper methods will be done if an arrest is already warranted,” dagdag ni Remulla.

Noong Mayo 2025 ay inilabas ang warrant of arrest laban kay Roque, Cassandra Ong, at 48 iba pa kaugnay sa qualified human trafficking sa umano’y scam hub na pinatatakbo ng Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.

Itinanggi naman ni Roque ang alegasyon at tinawag na fabricated at politically motivated.

Noong Nobyembre 2025, humiling ang pamahalaan sa Interpol na mag-isyu ng red notice laban kay Roque. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here