Home NATIONWIDE Pagpapababa sa VAT tinutulan ni ES Recto

Pagpapababa sa VAT tinutulan ni ES Recto

123
0

Manila, Philippines – Ipinanawagan ng may 3,000 Batangueño na nag-rally sa harap ng Kamara na huwag pigilan ni Executive Secretary Ralph Recto ang pagtapyas sa Value-Added Tax (VAT).

Pinangunahan mismo ni Batangas Rep. Leandro Legarda Leviste ang kaniyang mga kababayan upang igiit na aprubahan na ang panawagang tapyasan kung hindi man alisin ang VAT sa gitna ng krisis sa langis.

Naunang inihain ni Leviste House Bill No. 4302 upang maibaba ang singil sa VAT sa lahat ng bilihin mula 12% hanggang 10%, at ang House Bill No. 8838 na pagsuspendi naman sa singil sa VAT sa lahat ng produktong petrolyo na ayon sa kongresista ay sinusuportahan ng maraming mambabatas.

“We have had enough hearings. It is time to let every member’s vote be known. There should be separation of powers, so why is Congress allowing the Cabinet to block a vote on the VAT? My constituents here from Batangas represent the millions of Filipinos who are paying higher prices because of the VAT yet have not received any ayuda—I hope the government will find the sense of urgency to lower the VAT on all goods and immediately suspend the VAT on oil. Suspending the fuel excise tax is not enough,” giit pa ni Leviste.

Kasabay nito ay isinapubliko rin ni Leviste ang isang dokumento na nilagdaan ni Recto na dating kalihim ng Department of Finance na nagbabawas ng hanggang sa 12 porciento ng VAT dahil sa umano’y magiging kalugihan ng gobyerno.

Nakasama ni Levite sa rally ang mga magsasaka, mangingisda at manggagawa mula sa kaniyang distrito na ngayon ay nasa ika-anim na araw ng pagtitipon sa Liwasang Bonifacio na ang panawagan ay ibaba ang VAT sa gitna ng krisis sa langis. Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here