
MANILA, Philippines – Tinutugis ng pulisya ang mga suspek sa dalawang magkahiwalay na insidente ng pagnanakaw ng alahas sa Pasay City at Davao City na umabot sa kabuuang halagang hanggang P1 milyon.
Sa Pasay City, nadiskubre ng mga empleyado ang isang malaking butas sa loob ng isang pawnshop at kalaunan ay natuklasang nawawala ang aabot sa P1 milyong halaga ng mga alahas at P90,000 cash.






