Home METRO 200 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa UP Campus at Mandaue,...

200 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa UP Campus at Mandaue, Cebu

114
0

MANILA, Philippines – Dalawang magkahiwalay na sunog ang sumiklab sa Quezon City at Mandaue City, Cebu, na nakaapekto sa daan-daang pamilya at sumira sa maraming kabahayan, ayon sa mga uling ulat nitong Lunes ng gabi hanggang Martes ng madaling araw.

Sa Quezon City, 16 na pamilya ang naapektuhan matapos masunog ang isang residential area sa kahabaan ng C.P. Garcia Avenue sa Barangay U.P. Campus dakong bago maghatinggabi nitong Lunes. Umabot sa second alarm ang sunog bago tuluyang naapula bandang alas-12:46 ng madaling araw ng Martes.

Sa paunang imbestigasyon, 10 bahay ang naapektuhan ng insidente. Patuloy pang inaalam ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng sunog, na napaulat na nagsimula sa ikalawang palapag ng isang bahay na wala umanong suplay ng kuryente nang mangyari ang insidente.

Samantala, hindi bababa sa 200 pamilya ang naapektuhan sa hiwalay na sunog sa Mandaue City, Cebu, kung saan hindi bababa sa 50 bahay ang natupok,

Dahil dikit-dikit ang mga kabahayan sa lugar, mabilis na kumalat ang apoy. Marami sa mga residenteng naapektuhan ang hindi na nakapagsalba ng kanilang mga gamit.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, isa sa mga tinitingnang posibleng pinagmulan ng sunog sa Mandaue City ay isang appliance na naiwang nakasaksak. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here