Home NATIONWIDE Kasunduan sa pagitan ng US at Iran, nabigo; pero usapan ipagpapatuloy

Kasunduan sa pagitan ng US at Iran, nabigo; pero usapan ipagpapatuloy

145
0

WASHINGTON – Nag-iwan ng bukas na posibilidad para sa pagpapatuloy ng dayalogo ang United States at Iran matapos magtapos nang walang breakthrough ang kanilang pinakamataas na antas ng pag-uusap sa nakalipas na ilang dekada sa Islamabad, ayon sa ulat ng Reuters na sumipi sa 11 sources na pamilyar sa negosasyon.

Ang weekend meeting, na isinagawa apat na araw matapos ang ceasefire announcement noong nakaraang Martes, ang kauna-unahang direktang pag-uusap ng mga opisyal ng U.S. at Iran sa loob ng mahigit isang dekada at pinaka-senior na engagement mula pa noong 1979 Islamic Revolution sa Iran.

Ayon sa mga source, umabot sa mahigit 20 oras ang usapan sa Serena Hotel sa Islamabad at muntik nang humantong sa kasunduan, ngunit nauwi sa deadlock dahil sa usapin sa nuclear program ng Iran, Strait of Hormuz, sanctions, at access sa frozen Iranian assets.

“There was a strong hope in the middle of the talks that there would be a breakthrough and the two sides would reach an agreement. However, things changed within no time,” ayon sa isang Pakistani government source.

Sinabi rin ng isa pang source na “very close” na umano ang dalawang panig sa isang kasunduan at “80% there” bago sumabit sa mga isyung hindi agad maresolba.

Kabilang sa mga matataas na opisyal na lumahok sa usapan sina U.S. Vice President JD Vance at Iranian Parliamentary Speaker Mohammad Baqer Qalibaf, habang paulit-ulit namang namagitan ang mga Pakistani mediators sa magkabilang panig sa buong magdamag.

Iginiit ng White House na hindi nagbago ang posisyon ng Estados Unidos at nananatiling pulang linya nito na hindi dapat magkaroon ng nuclear weapon ang Iran.

“Iran can never have a nuclear weapon, and President Trump’s negotiating team stuck to this red line and many others. Engagement continues toward an agreement,” ayon kay White House spokeswoman Olivia Wales.

Samantala, sinabi ng Iranian sources na nananatiling mababa ang tiwala ng Tehran sa intensyon ng Washington at nais nito ng mas malawak na garantiya, kabilang ang permanent ceasefire, sanctions relief, at pagkilala sa karapatan nitong magpayaman ng uranium.

Sa kabila ng kawalan ng kasunduan, sinabi ni Pakistan Prime Minister Shehbaz Sharif na nagpapatuloy ang buong pagsisikap upang maresolba ang mga isyu, habang kinumpirma rin ng mga source mula sa U.S. at rehiyon na nagpapatuloy ang komunikasyon matapos ang Islamabad talks.

“We leave here with a very simple proposal, a method of understanding that is our final and best offer,” ani Vance. “We’ll see if the Iranians accept it.” Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here