Home METRO 2 inmates, pumuga sa Pangasinan Police Station; P100K pabuya inialok

2 inmates, pumuga sa Pangasinan Police Station; P100K pabuya inialok

111
0

PANGASINAN, Philippines – Nag-alok ng P100,000 pabuya ang lokal na pamahalaan ng Sual, Pangasinan para sa anumang impormasyon na magtuturo sa ikaaaresto ng dalawang preso na tumakas mula sa Sual Police Station, ayon sa pulisya nitong Lunes.

Sinabi ni Pangasinan Police Provincial Office director Col. Arbel Mercullo na tatlong persons under police custody ang nakatakas mula sa himpilan noong Abril 12.

Isa sa mga ito, isang 36-anyos na lalaki mula sa Malasiqui, Pangasinan, ang muling naaresto nitong Lunes ng umaga sa isang gasoline station sa Sual.

Batay sa datos ng pulisya, ang dalawang natitirang pugante ay isang 40-anyos na lalaki mula sa Domalandan East, Lingayen na nahaharap sa kasong carjacking at paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act, at isang 26-anyos na lalaki mula sa Labrador na may mga kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Ayon kay Mercullo, nakita sa closed circuit television footage na sinamantala ng mga preso ang hindi nababantayang custodial area upang makatakas.

“The chief of police of Sual, Maj. Vincent Jasper Magsarili and eight others on duty during the incident were relieved from their post to give way to impartial and thorough investigation,” aniya.

Idinagdag niya na inilagay na sa social media ng pulisya ang detalye at mga larawan ng dalawang pugante upang makatulong ang publiko sa kanilang pagtunton.

“The details and pictures of the escapees are on our social media so that you can help us locate the two,” sabi ni Mercullo. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here