Home HOME BANNER STORY Drug test, health disclosure ni PBBM hiniling ng grupo sa SC

Drug test, health disclosure ni PBBM hiniling ng grupo sa SC

118
0

MANILA, Philippines – Hiniling ng United People’s Initiative (UPI) sa Korte Suprema (SC) ang pagsailalim ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa hair follicle drug test at ilabas ang resulta nito.

Sa 12-pahinang petisyon na inihain noong Abril 10, iginiit ng UPI na may karapatan ang publiko na malaman ang kalusugan ng Pangulo, lalo na kung makaaapekto ito sa kanyang kakayahang gampanan ang tungkulin.

“The right to information is paramount. We, the people, as sovereign, have the right to assert transparency regarding the condition of officials who exercise executive power in our name,” ayon sa petisyon.

Dagdag pa nito, “Secrecy in this context defeats democratic accountability and erodes the people’s ability to render informed judgment about governance.”

Binanggit din ng UPI ang umano’y mga nakakita kay Marcos sa St. Luke’s Medical Center, pati ang mga pahayag ni Senador Imee Marcos tungkol sa kalusugan ng Pangulo. Nauna nang sinabi ng senadora na nagkasakit umano ang Pangulo dahil walang nag-aalaga sa kanya sa Malacañang, ngunit itinanggi ito ng Palasyo.

“These statements, coming from a person with direct personal knowledge, constitute credible and material indicators that may trigger the constitutional requirement of disclosure in cases of serious illness,” ayon sa petisyon.

Samantala, itinanggi ni Marcos ang mga isyu tungkol sa kanyang kalusugan at tinawag itong “pure shenanigans.” Nagpakita pa siya sa media kung saan nagsagawa siya ng jumping jacks at tumakbo sa loob ng Palasyo.

Bukod sa drug test, hiniling din ng grupo sa SC na utusan ang gobyerno na maglabas ng regular, tama, at napapanahong medical bulletins kung may kondisyon ang Pangulo na maaaring makaapekto sa kanyang pamumuno.

Kabilang sa mga pinangalanang respondent ang Office of the Executive Secretary at Communications Office Chief Dave Gomez. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here