MANILA, Philippines – PORMAL na nilagdaan ng Pilipinas at Australia, araw ng Linggo, Nobyembre 15 ang kasunduan na naghahangad ng mas malakas na ugnayang pangdepensa sa pagitan ng dalawang bansa.
Ang defense cooperation agreement (DCA) ay pinirmahan nina Philippines Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at Australian Ambassador to the Philippines H.E. Marc Innes-Brown.
Sinabi ni Teodoro na ang kasunduan ay mag-streamline sa koordinasyon sa pagitan ng Pilipinas at Australia pagdating sa military at usaping seguridad gaya ng disaster response, military hardware procurement, at joint military exercises sa kalupaan at karagatan.
“Ngayon, ang bentahe talaga din nito sa disasters. At least, hindi na maraming permit-permit pa. Isahan na lang ito para agad maka-responde ang ating mga kaalyadong Australyano,” ang sinabi ni Teodoro.
Nauna rito, nilagdaan muna ng dalawang bansa ang isang intent noong nakaraang taon para gawing pormal ang kasunduan ngayong 2026.
Tinuran ni Teodoro na ang kasunduan kasama ang Australia ay iba mula sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas, nagkakaloob sa US troops ng access na itinalagang Philippine military facilities at karapatan ng magtayo ng pasilidad subalit hindi pinapayagan ang pagtatatag ng permanenteng base.
Samantala, ang Pilipinas, Estados Unidos, Japan, at Australia ay magtatatag din ng joint defense coordination center sa Maynila, ang Combined Coordination Center (CCC), naglalayong palakasin ang kooperasyon sa ‘domain awareness, information sharing, at military interoperability.’ KRIS JOSE