Home METRO Pamasahe sa rutang Batangas–Occidental Mindoro, tumaas

Pamasahe sa rutang Batangas–Occidental Mindoro, tumaas

118
0

BATANGAS, Philippines – Mataas na ang pamasahe sa mga pasaherong bumibiyahe sa pagitan ng Batangas Port at Abra de Ilog sa Occidental Mindoro matapos mag-anunsyo ang shipping operator na Island Waters ng pagtaas ng kanilang singil simula Martes.

Ayon sa anunsyo na inilabas ng Provincial Information Office (PIO) ng Occidental Mindoro, ang pagtaas ay dulot ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis na malaki ang epekto sa operasyon ng kumpanya.

Sa bagong pamasahe, ang economy class ay magiging P700 para sa regular na pasahero, P560 para sa estudyante, P500 para sa senior citizen at PWD, at P350 para sa batang edad 3 hanggang 7. Libre naman ang mga batang 2 taong gulang pababa.

Sa business class, magiging P1,100 ang regular fare, P880 para sa estudyante, P785.71 para sa senior at PWD, at P500 para sa bata.

Sa VIP class naman, P1,400 ang regular fare, P1,120 para sa estudyante, P1,100 para sa senior at PWD, at P700 para sa bata. Libre rin ang mga sanggol sa mga nabanggit na klase.

Ayon sa kumpanya, makikita rin ang updated na singil para sa motorsiklo, van, trak, at iba pang roll-on/roll-off (RORO) vehicles sa opisyal na Facebook page ng PIO Occidental Mindoro.

Ang Island Waters ay regular na nagbibiyahe sa Batangas Port at Abra de Ilog na mahalagang ruta para sa mga pasahero at kargamento sa pagitan ng Luzon at Occidental Mindoro.

Pinapayuhan ang publiko na bantayan ang mga opisyal na anunsyo para sa karagdagang updates sa iskedyul at pamasahe. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here