Home METRO 66 nalason matapos kumain ng tulingan sa Iloilo

66 nalason matapos kumain ng tulingan sa Iloilo

111
0

ILOILO, Philippines – Umabot na sa 66 katao ang naitalang kaso ng food poisoning sa Iloilo matapos kumain ng aloy o tulingan na isda.

Ayon sa Iloilo Provincial Health Office (IPHO), mula sa unang 20 kaso, nadagdagan pa ito ng 46 na nagkasakit mula Abril 6 hanggang Abril 10.

Sinabi ni IPHO chief Dr. Maria Socorro Colmenares-Quiñon na karamihan sa mga pasyente ay gumaling na, ngunit may tatlo pa ring naka-confine sa ospital.

Naitala ang mga kaso sa iba’t ibang lugar: siyam sa Banate, Mina, at Passi City; pito sa Dumangas; anim sa San Enrique; apat sa Barotac Viejo at Janiuay; tatlo sa Balasan at Barotac Nuevo; dalawa sa Anilao at Cabatuan; at tig-iisa sa Alimodian, Calinog, Dueñas, Miag-ao, Pototan, Sara, at Tigbauan.

Karamihan sa mga nagkasakit ay bumili ng isda mula sa mga naglalako sa kanilang mga barangay.

Pinaghihinalaan ng mga awtoridad na hindi maayos ang pagkakaimbak ng isda, partikular ang hindi pagpapanatili nito sa temperaturang mababa sa 4 degrees Celsius. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here