Manila, Philippines – May panawagan ang isang residente ng Lucena City sa mayor nilang si Mark Alcala, rumored boyfriend ni Kathryn Bernardo.
May kinalaman ang apelang ito sa literal na madidilim na kalsada sa naturang provincial city ng Quezon para sa kaligtasan ng mga motorista.
Sa street lights lang daw nagmumula ang liwanag: “Mas maliwanag pa ang ring light ko dito!” himutok ng isang residente sa poorly lighted streets sa kanilang lugar.
Delikado daw ‘yon lalo na sa mga bumabaybay na truck.
Accident-prone pa mandin daw ang mga lugar doon.
In-address ng residente ang reklamo niyang ‘yon sa LGU, stressing the hazards of everyday commuters.
Hiling niyang ipaayos daw ang mga ilaw doon, lalo’t peligroso din daw ang mga lubak-lubak na kalsada na nakakabutas ng gulong ng mga sasakyan.
Ang apela’y bunsod ng madalas na out of town at mga biyahe abroad ni Mayor Mark, na nakakalimutan na ang trabaho sa lokal na pamahalaan.
Kamakailan, napaulat na galing ng Bhutan ang rumored couple (Kathryn Bernardo at Mayor Mark) na dumaan muna sa Suvarnhabhumi International Airport sa Thailand.