Home ENTERTAINMENT Edu, may pasaring sa takbo ng buhay sa bansa!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Edu, may pasaring sa takbo ng buhay sa bansa!April 14, 2026 19:531340 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Kilala si Edu Manzano as someone who makes a valid point.Ang maganda pa sa aktor, he does not apologize kung sinuman ang masagasaan sa kanyang mga sinasabi.Ang latest, kinukumbinsi ni Edu na bumiyahe ang ating mga kababayan sa ibang bansa.Ito’y para mapagtanto nating lahat ang kakapusan ng ating bansa–lalo na sa aspeto ng transportasyon at gastos sa turismo.Ani Edu sa kanyang Facebook post: “All Filipinos should travel outside the Philippines so that you will know that we deserve better!”Patuloy niya to prove his point, “It’s cheaper to travel to our Southeast Asian neighbors than it is to fly to Cebu or Davao.”Umani naman ang post na ‘yon ng aktor ng mga komento, most of which are in favor of him based on their personal experiences.Kung sana daw ay nagagamit nang tama ang ibinabayad nating buwis–tulad sa ibang progresibong bansa.Doon daw makikitang napag-liwanan ang Pilipinas–behind by almost 50 years.Earlier, nag-emote na ang TV host na si Bianca Gonzales na mas mahal pa ang bumiyahe sa Siargao.May pareho ring hanash si Anne Curtis ukol sa umiiral na sistema sa gobyerno.At eto pa ang oil price hike na kalbaryo ng ating mga motorista’t mananakay! Ronnie Carrasco III