MANILA, Philippines – Ipinagtanggol ni Vice President Sara Duterte nitong Miyerkules ang kanyang law school record at tinuligsa ang pagdinig ng House justice panel bilang isang “mini trial” kasunod ng mga alegasyong inilabas sa impeachment hearings ni witness Ramil Madriaga.
Sa isang pahayag, itinanggi ni Duterte ang sinabi ni Madriaga na kinailangan umano niya ng tulong upang makatapos ng law school at iginiit na natapos niya ang kanyang pag-aaral nang walang espesyal na pabor.
“I completed my studies on my own terms,” ani Duterte, sabay sabing hindi siya “never asked any professor for special accommodation” at hindi rin naging paksa ng anumang reklamo habang nag-aaral sa San Sebastian College-Recoletos College of Law.
Binigyang-diin din niya ang kanyang academic record at sinabing nagtapos siya noong Mayo 2005, kumuha ng Bar Examinations noong Setyembre ng parehong taon, at pumasa sa unang take ng exam.
“I passed the Bar on my first attempt with a GWA of 80,” ani niya.
Kinuwestiyon din ni Duterte ang kredibilidad ng mga nag-aakusa sa kanya, at tinawag si Madriaga na isang “bar flunker and kidnapping suspect.”
Inakusahan din niya ang ilang miyembro ng House committee on justice na ginagamit ang proceedings para sa pulitika at hindi para sa tunay na pananagutan.
“This mini-trial… is true to form for some of its members: abuse and corruption appear to be the only things they are capable of,” aniya.
Dumating ang pahayag isang araw matapos sabihin ni Madriaga, na inilarawan sa ulat bilang confessed bagman ng Bise Presidente, sa House panel na nagsilbi siyang “dummy” sa mga bank transaction noong panahon ng administrasyong Duterte.
Sa kanyang supplemental affidavit, inangkin din niya na milyun-milyong piso ang dumaan sa mga bank account na nakapangalan sa kanya at naidala niya ang P125 milyon na confidential funds sa tatlong lokasyon sa loob ng 24 oras sa utos umano ni Sara Duterte. Santi Celario