Home ENTERTAINMENT Heart, magbubukas ng shala na ukay-ukay!

Heart, magbubukas ng shala na ukay-ukay!

120
0

Manila, Philippines – Sosyal na ukay-ukay—is there such a thing?

Yes, meron—pauso ni Heart Evangelista!

Kasado na ang pagbebenta ni Heart ng kanyang mga pre-loved items sa isang sosyal na ukay-ukay event.

Dubbed as Heart’s E-Closet Party, magaganap ito sa April 25 at 26 sa Project 4, Quezon City.

Magbubukas ito nang 10 ng umaga hanggang 5 ng hapon.
Up for grabs ang mga damit ng global fashion icon, bags, accessories, and many more!

Marami na nga ang excited na sumugod sa event na ’yon, base sa mga komento ng netizens.

Wish lang ng ilan, sana raw ay may online para sa mga ’di makakarating sa physical outlet nito.

Tanong din nila—are the items affordable, at may below P500 daw ba?

Nauna nang nagkaroon ng open bazaar sina Kathryn Bernardo at Kim Chiu—matalbugan kaya ni Heart ang mga ito?

— Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here