Home NATIONWIDE Malakas na El Niño sa Q4 ng 2026, ibinabala ng PAGASA

Malakas na El Niño sa Q4 ng 2026, ibinabala ng PAGASA

154
0

MANILA, Philippines — Tumaas sa 92 porsiyento ang posibilidad na magkaroon ng moderate hanggang strong El Niño sa huling quarter ng 2026 hanggang unang bahagi ng 2027, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sinabi ni PAGASA Administrator Nathaniel Servando na inaasahang ia-upgrade ng ahensya ngayong buwan ang El Niño Watch advisory tungo sa El Niño Alert, habang tinatayang lilitaw ang naturang weather phenomenon mula Hulyo hanggang Setyembre.

“This will be upgraded into El Niño Alert this month, projecting the phenomenon to emerge in from July to September,” ani Servando sa isang interbyu.

Noong Marso, naglabas ang PAGASA ng El Niño Watch advisory kung saan tinaya nitong may 55 porsiyentong posibilidad na mabuo ang El Niño sa loob ng anim na buwan dahil sa below-normal rainfall.

Ang El Niño ay inilalarawan bilang mas mainit kaysa karaniwang temperatura ng sea surface sa Central at Eastern Equatorial Pacific. Ayon kay Servando, inaasahang magiging below normal ang dami ng ulan sa bansa habang umiiral ang naturang phenomenon.

“During El Niño, rainfall conditions are expected to be below normal,” dagdag pa ni Servando.

Binanggit din ni Servando na ang Indonesia, na kasalukuyang nakararanas ng weak El Niño, ay inaasahang hahantong sa moderate level pagsapit ng ikatlong quarter ng 2026. Aniya, tugma ito sa projection ng PAGASA dahil magkahawig ang climate conditions ng Indonesia at Pilipinas.

“Indonesia’s climate is similar to the Philippines, and the local climate is influenced by climate variability such as El Niño,” ani Servando. “Their projections of El Niño is consistent with ours.” Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here