Home METRO 10 arestado sa Surigao Norte sa ‘paihi’ ng langis

10 arestado sa Surigao Norte sa ‘paihi’ ng langis

128
0

MANILA, Philippines — Sampung lalaki ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa umano’y ilegal na fuel pilferage o “paihi,” habang mahigit P5.6 milyon halaga ng petroleum products at iba pang kagamitan ang nasamsam sa Panatao Port sa Claver, Surigao del Norte.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), nahuli umano ang mga suspek noong Abril 13 habang ilegal na naglilipat at nagta-transport ng petroleum products nang walang kaukulang awtoridad.

Batay sa imbestigasyon, isinagawa umano ang “paihi” operation sa pamamagitan ng paglilipat ng fuel mula sa isang motorized banca na nakadaong sa pantalan patungo sa isang tanker truck. Ang mga petroleum product ay umano’y nakalaan para ipamahagi sa iba’t ibang gasoline station sa Surigao nang walang awtorisasyon mula sa Department of Energy (DOE).

Nakumpiska rin ng mga awtoridad ang isang trailer tanker na may kargang 20 drum ng diesel fuel, gayundin ang mga water pump, hose, mga bakanteng drum, at ang motorized banca na umano’y ginamit sa operasyon.

Sinabi ng CIDG na umabot sa mahigit P5.6 milyon ang kabuuang halaga ng mga nasamsam na ebidensiya.

Ayon kay CIDG Director Maj. Gen. Robert Morico II, ipinagbabawal sa ilalim ng Batas Pambansa Blg. 33 ang pagbebenta o pamamahagi ng petroleum products para pagkakitaan nang walang kinakailangang lisensya o awtoridad.

“This anti ‘paihi’ operations aimed to combat economic sabotage and secure national revenue,” anang CIDG. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here