Home NATIONWIDE DepEd gagamit ng AI para sa Library Hubs program

DepEd gagamit ng AI para sa Library Hubs program

104
0

MANILA, Philippines – Gagamit ang Department of Education (DepEd) ng artificial intelligence (AI)-based tool para sa pagpapatupad ng P1-bilyong Library Hubs program upang mas matukoy ang mga paaralang may pinakamalaking pangangailangan sa literacy.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, gagamitin ang data analytics para malaman kung saan ilalagay ang mga library hub, kapalit ng tradisyunal na paraan ng paglalaan.

“Data-driven policymaking is central to the education reforms we envision. Initiatives like this demonstrate how data science can help DepEd make smarter investments—ensuring that resources reach the schools and learners that need them the most,” ani Angara.

Ang tool ay binuo ng Education Center for AI Research (ECAIR), innovation unit ng DepEd, at susuri sa national education at administrative data upang tukuyin ang mga prayoridad na paaralan batay sa reading proficiency, inaasahang paggamit, at equity.

Popondohan ang programa sa ilalim ng 2026 Basic Education Facilities Fund (BEFF), na layong mapabuti ang access sa reading materials at matugunan ang kakulangan sa literacy.

Batay ito sa ulat ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) na nagsabing hindi pantay ang distribusyon ng learning resources sa bansa.

Sinabi ni Undersecretary Carmela Oracion na mahalaga ang mga school library at centralized hubs sa paghubog ng reading habits ng mga estudyante.

“By working with ECAIR to incorporate data into planning and prioritization, we can ensure that our investments better support learners in our schools,” aniya.

Ayon naman kay ECAIR Managing Director Dr. Erika Legara, maraming education data ang available ngunit hamon ang paggamit nito sa konkretong desisyon.

Ang Library Hubs ay mga centralized facility kung saan maaaring manghiram ang mga guro ng libro at iba pang materyales para sa klase sa loob ng 25 hanggang 30 araw.

Plano pa ng DepEd na paunlarin ang tool para magamit din sa mga susunod na pamumuhunan sa instructional materials, bilang bahagi ng pagpapabuti ng functional literacy sa buong bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here