MANILA, Philippines – Hindi hadlang ang utang para hindi makamartsa sa kanyang graduation ang isang estudyante.
Ito ang nakapaloob sa House Bill 8618 na inihain ni Paranaque Rep. Brian Yamsuan.
Sa ilalim ng panukala ay aalis na ang kondisyon sa mga paaralan na “ban” ang estudyante sa graduation ceremonies kung mayroong utang sa eskuwelahan, giit ni Yamsuan, karapatan ng mag-aaral na dumalo sa kanyang graduation rites.
“For many students and their parents, a graduation ceremony is more than just a formal rite. It is the most tangible symbol of a hope fulfilled. Barring them from taking part in graduation or commencement exercises solely due to unpaid obligations deny them the opportunity to witness, with dignity, the fruits of their sacrifices,” ani Yamsuan.
Sakop ng panukala ang lahat ng public at private basic education (K-12) schools, higher educational institutions at technical-vocational institutions.
Nakapaloob din sa panukala na maaaring tumulong ang DSWD sa pagbabayad ng utang ng estudyante kung ang kawalan ng pambayad ay dahil sa kalamidad, emergency at force majeure.
Upang masiguro din na makokolekta ng mga paaralan ang utang mula sa estudyante ay maaaring hindi ibigay ang diploma at iba pang academic documents hanggabg sa tukluyang makabayad sa obligasyon. Gail Mendoza