Home METRO Illegal recruiter, nanloko ng 17 aplikante patungong Japan, arestado sa Mandaluyong

Illegal recruiter, nanloko ng 17 aplikante patungong Japan, arestado sa Mandaluyong

142
0

MANILA, Philippines – Arestado sa Mandaluyong City ang isang hinihinalang illegal recruiter na umano’y nanloko sa hindi bababa sa 17 aplikante na nais magtrabaho sa Japan, ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Batay sa ulat, mula Hulyo hanggang Nobyembre 2025, sangkot umano ang suspek sa recruitment at placement activities nang walang awtorisasyon mula sa Department of Migrant Workers (DMW).

Nag-alok umano siya ng trabaho sa Japan at nagpakilalang may kakayahang magpadala ng mga manggagawa sa abroad, kapalit ng placement at processing fees na umabot sa humigit-kumulang ₱780,000 mula sa mga biktima.

Kinilala ng CIDG ang suspek na si alyas “Jem,” 42 anyos, residente ng Sta. Cruz, Laguna at kabilang sa Regional Most Wanted Person ng Police Regional Office 4A.

Isinagawa ang operasyon ng CIDG Laguna Provincial Field Unit batay sa warrant of arrest na inilabas ng korte sa Sta. Cruz, Laguna noong Abril 10.

Ayon sa CIDG, ang warrant ay kaugnay ng paglabag sa Section 6 ng Republic Act No. 8042 (Illegal Recruitment in Large Scale), na inamyendahan ng RA 10022, at walang inirekomendang piyansa.

“CIDG is relentless in pursuing and filing criminal charges against those who exploit the aspirations of Filipinos seeking better lives abroad,” ayon sa ahensya.

Muling iginiit ng CIDG sa publiko na beripikahin ang mga recruitment agency at job offers sa pamamagitan ng Department of Migrant Workers, at tanging DMW-accredited entities lamang ang awtorisadong magpadala ng overseas workers. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here