Home METRO PNP: Intelligence ops paiigtingin matapos masamsam P2.7M ilegal yosi sa Cotabato

PNP: Intelligence ops paiigtingin matapos masamsam P2.7M ilegal yosi sa Cotabato

105
0

MANILA, Philippines – Tinitingnan ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapalawak ng intelligence-driven operations matapos masamsam ang tinatayang P2.7 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa Cotabato City noong Miyerkules.

Sa pahayag ng PNP nitong Huwebes, sinabi ng ahensya na ang matagumpay na operasyon ay bunga ng tip mula sa isang informant.

“The tip was very critical,” ani PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., na binigyang-diin na mahalaga ang “timely information” sa tagumpay ng operasyon.

“We are seeing more intelligence-driven operations, and we will continue to strengthen that capability across all units,” dagdag niya.

Nakuha ang mga smuggled na sigarilyo matapos rumesponde ang Cotabato City Police Station 3 sa ulat hinggil sa isang pulang Isuzu truck na umano’y ginagamit sa pagbiyahe ng ilegal na kargamento sa isang liblib na lugar sa Barangay Kalanganan 2.

Pagdating ng mga pulis, natagpuan nila ang humigit-kumulang 70 abandonadong kahon ng sigarilyo.

Ayon sa PNP, laman ng mga kahon ang BOSQU-brand cigarettes na tinatayang nagkakahalaga ng P2,747,500.

Walang naarestong suspek, ngunit sinabi ni Nartatez na nagpapatuloy ang malalimang imbestigasyon upang matukoy ang nasa likod ng shipment at maisampa ang kaukulang kaso. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here