MANILA, Philippines – Inaresto ang OPM artist na si Hev Abi matapos isilbi ang search warrant kaugnay ng umano’y ilegal na mga armas, ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nitong Huwebes.
Sinabi ni CIDG Public Information Office chief PMaj. Helen Dela Cruz na maglalabas pa sila ng opisyal na pahayag hinggil sa pag-aresto na naganap noong Abril 14.
Si Hev Abi, na ang tunay na pangalan ay Gabriel Abilla, ay may 5.1 milyong monthly listeners sa Spotify at kilala sa mga kantang “WELCOME2DTQ” at “Para Sa Streets.” RNT/MND