Home HOME BANNER STORY Kampo ni VP Sara planong maghain ng panibagong reklamo vs Madriaga

Kampo ni VP Sara planong maghain ng panibagong reklamo vs Madriaga

112
0

MANILA, Philippines – Pag-aaralan ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang posibilidad ng pagrerekomenda ng bagong reklamo laban kay Ramil Madriaga na kamakailan ay tumestigo sa pagdinig ng House justice committee sa impeachment complaints laban kay Duterte.

Ito ay ayon kay Paolo Panelo Jr., legal counsel ni Duterte para sa perjury complaint na inihain laban kay Madriaga, habang itinatanggi ang paratang ni Madriaga na nag-uugnay kay Duterte sa illegal campaign funding at cash deliveries.

“Ang susunod pong hakbang namin is pag-uusapan po namin kung kakasuhan po ba namin ng panibago itong si si Ramil Madriaga at doon pa lang po kami maghahanap ng mga testigo at I’m sure marami pong mahahanap na testigo para pasinungalingan itong mga sinasabi niya,” ani Panelo.

“Mukhang ‘yun po ang irerekomenda natin sa ikalawang pangulo. So antabayanan po natin kung anong sunod na hakbang namin,” dagdag pa niya.

Nang tanungin kung anong reklamo ang posibleng isampa laban kay Madriaga, sinabi ni Panelo na: “It’s clear that he committed perjury by falsely testifying under oath, but we will also study other possible causes of action.”

Si Madriaga na nagpakilala bilang dating aide at bagman ni Duterte, ay nagsabing ang mga drug dealer at Philippine offshore gaming operators (POGO) operators ang nagpondo ng kampanyang “Inday Sara Duterte is My President (ISIP) Pilipinas.”

Sinabi rin nito na inutusan siya ni Colonel Dennis Nolasco at Colonel Raymond Lachica na ihatid ang apat na duffel bags na naglalaman ng tig-P35 milyon sa iba’t ibang indibidwal.

Itinanggi naman nina Duterte at Lachica ang akusasyon laban sa kanila.

Noong Marso 4 ay inihain ni Duterte ang unang perjury complaint laban kay Madriaga sa Taguig City Prosecutor’s Office, at iginiit ang “false stories should not be used to confuse the public.”

Kumbinsido naman si Panelo na ang mga sinabi ni Madriaga ay makatutulong pa sa depensa.

“In fact, bago pa man siya lumantad diyan sa House Justice Committee, tinawag ko na rin siyang star witness namin. Tinawag ko na rin siyang hulog ng langit sa amin. Tinawag ko na rin siyang Trojan Horse,” ayon sa abogado ni Duterte.

“Kaya the more he speaks talaga, the better for us. So wala pong pumipigil sa kaniyang magsalita,” dagdag pa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here