Home NATIONWIDE 2 bebot binaril habang naglalakad sa Iloilo

2 bebot binaril habang naglalakad sa Iloilo

124
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang babae habang sugatan ang kasama niya nang barilin sila habang naglalakad sa kalsada sa Pavia, Iloilo.

Ang suspek ay nakasuot ng helmet sa oras ng insidente kung saan pinaputukan nito ang dalawang babae na naglalakad sa Barangay Ungka 1.

Nangyari ang insidente alas-7 ng gabi ng Abril 14.

Idineklarang dead on arrival sa ospital si Divine Grace Castillo, residente ng Barangay San Juan, Molo na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo, likod at tiyan.

Sasailalim naman sa operasyon ang kasama nitong si John Shane Somblingo.

Sa inisyal na imbestigasyon, pauwi na ng bahay ang dalawa nang sila ay barilin.

Isyu sa trabaho ang isa sa mga anggulo na tinitingnan ng pulisya sa krimen.

Si Castillo kasi ay plant manager ng isang cake shop habang si Somblingo ay nagtatrabaho bilang human resources.

“At this point in time, ang lahat ng possibility, ang lahat ng anggulo, kinukonsidera natin iyan,” pahayag ni Lt. Col. Rolando Araño, spokesperson ng Iloilo Police Provincial Office.

“Hindi muna tayo maka-conclude kung isa lang ang suspect o may kasama pa siya,” dagdag pa niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here