MANILA, Philippines – Kailangang magpakita ng negatibong HIV test result ang mga Pinoy na bibiyahe patungong Oman, magtatrabaho man o para mamasyal.
Ito ay ayon sa mga tauhan ng Muscat-headquartered flag carrier kung saan ang implementasyon umano ng polisiya ay nagsimula noon pang nakaraang buwan.
Walang naging pormal na anunsyo ng naturang polisiya bagamat may mga report online na nagsasabing may mga nakaranas na ma-offload dahil sa kawalan ng HIV clearance.
Sinasabihan lamang umano ang mga pasahero ng naturang polisiya pagdating sa check-in counters.
Ang naturang requirement ay para sa lahat ng uri ng visa ngunit hindi kasama sa polisiya ang mga bata.
“Please be informed that no official confirmation has been received from Omani authorities,” saad sa abiso ng Philippine Embassy sa Muscat noong Abril 14. RNT/JGC