MANILA, Philippines – Pinagbigyan ng Manila Regional Trial Court Branch 30 ang kahilingan ni dating Ako Bicol Party-list Rep Arnolfo Teves Jr na makapagpiyansa kasama ang dalawa niyang kapwa akusado kaugnay sa kinakaharap nilang kaso.
Batay sa 27 pahinang resolution na sinulat ng Presiding Judge Ryan Philippine L. Bartolome, pinayagan na makapagpiyansa si Teves ng P500,000 habang tig-P250,000 naman kina Cuadra at Pinili.
Ang tatlong akusado ay itinuturing na nasa likod ng pagpaslang kay Pacito Libron noong Hunyo 23, 2019 sa Bayawan City kung saan siya pinagbabaril hanggang sa mamatay.
Sinasabing hitman at bodyguards ni Teves ang bumaril kay Libron at sila ay kinasuhan ng murder sa RTC Manila.
Bukod sa kinakaharap na kasong murder, may iba pang kasong kriminal si Teves na nakabinbin sa mababang hukuman gaya ng illegal possession of firearms and eplosives, paglabag sa Terrorism, Financial Prevention and Suspension act.
Una na ring pinawalang-sala si Teves sa isang sala sa Manila RTC sa kasong murder matapos na tanggapin ang inihaing demurer to evidence. Jocelyn Tabangcura-Domenden