Home HOME BANNER STORY Pahayag ni Baste sinusuri ng NBI, posibleng mag-isyu ng subpoena

Pahayag ni Baste sinusuri ng NBI, posibleng mag-isyu ng subpoena

123
0

MANILA, Philippines – Sinusuri na ng National Bureau of Investigation ang pahayag ni Davao Mayor Sebastian “Baste” Duterte kaugnay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at maaaring mag-isyu ng subpoena laban sa kanya, ayon kay NBI Director Melvin Matibag nitong Biyernes, Abril 17.

“’Yung mga ganyang bagay sasabihin na naman metaphor or what. But as our mandate, we [are] always mindful of the security of our president at babantayan natin ‘yan at kailangan natin siguro imbestigahan ng mas maayos,” ani Matibag.

“We are reviewing it at tinitignan natin kung kinakailangang gawin ‘yan. But kung umabot sa ganoong sitwasyon, we will not hesitate na magpadala ng subpoena para siya mismo ang mag bigay linaw,” dagdag pa.

Napansin umano ni Matibag ang pattern na unang nakita kay Vice President Sara Duterte at ngayon ay kay Mayor Sebastian Duterte.

“Noon, si Vice President Sara. Ngayon si Baste naman at sinasabi lagi, ‘yung ulo lagi ng presidente ‘yung binabanggit nila,” sinabi pa ng opisyal.

Kung babalikan ay sinabi ni Sara Duterte noong 2024 na ipinag-utos niyang patayin si Marcos. Kalaunan ay sinabi nitong ang kanyang pahayag ay “maliciously taken out of logical context.”

Samantala, sinabi naman ni Baste Duterte na nais lamang nila ang ulo ng pangulo.

“Tama na yan. Okay na ’yan. Siguro ’yung mga anak niyo makakapag-aral sa abroad. You can eat at very nice restaurants. Tama na ’yan. It’s okay. Isang ulo lang naman ang kailangan namin, ang ulo ni Bongbong Marcos,” ani Duterte. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here