Home NATIONWIDE Construction worker patay sa bangga ng trak

Construction worker patay sa bangga ng trak

97
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang road construction worker habang sugatan ang kasama nito sa Lucena City, Quezon matapos aksidenteng tamaan ng dump truck ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa report, sinabi ng Lucena police na huminto sa gitna ng diversion road sa Barangay Domoit ang DPWH dump truck na minamaneho ng isang alyas “Aldrin” kasabay ng pag-inspeksyon ng apat na road worker sa sirang bahagi ng highway.

Bigla na lamang nabangga ng isa pang trak na minamaneho ni “Virgilio” ang nakahintong trak ng DPWH dahilan para umabante ito.

Ang tinamaang manggagawa ay sina “Efren” at “Jomel” habang nagawang makailag ng dalawa pa.

Agad na isinugod sa Quezon Medical Center ang mga biktima ngunit idineklarang patay si Efren.

Inamin naman ni Virgilio na nakatulog siya dahilan para mabangga ang trak ng DPWH.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang drayber at nahaharap sa kaukulang reklamo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here