Home METRO Lider ng crime group sa Isabela, utas; 2 pa arestado sa operasyon...

Lider ng crime group sa Isabela, utas; 2 pa arestado sa operasyon ng Pulisya

117
0

ISABELA, Philippines – Patay ang umano’y lider ng isang crime group na kumikilos sa hilagang Isabela habang dalawa pa sa kanyang mga kasamahan ang naaresto sa isang operasyon sa Barangay Barumbun, Santo Tomas, Isabela noong Abril 16, matapos nilang barilin ang isang magsasaka.

Ayon sa pulisya, hinabol ng mga awtoridad mula sa Delfin Albano at Santo Tomas, kasama ang provincial intelligence at mobile force units, ang mga armadong suspek na itinuturong responsable sa pamamaril kay Michael Melad.

Nasawi ang suspek na si Nicolas Magsanoc, na kabilang din umano sa drug watchlist. Arestado naman ang dalawa niyang kasamahan na sina Jojo Acosta, na nasa drug watchlist din, at Rogelio Lantero Jr. mula sa Tumauini.

Ayon sa imbestigasyon, sakay ng motorsiklo ang mga suspek at tumakas patungo sa Santo Tomas matapos ang pamamaril. Agad namang naglunsad ng dragnet operation ang pulisya.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang dalawang naaresto habang inihahanda ang mga kasong frustrated murder laban sa kanila. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here