Home LIFESTYLE HEALTH Pagsusuot ng face mask, hinikayat sa masamang air quality sa ilang lungsod...

Pagsusuot ng face mask, hinikayat sa masamang air quality sa ilang lungsod sa NCR

209
0

MANILA, Philippines – Naglabas ng paalala ang ilang lungsod sa National Capital Region (NCR) na magsuot ng face mask ang mga residente matapos maitala ang “unhealthy” hanggang “very unhealthy” na kalidad ng hangin sa ilang lugar noong Sabado.

Sa Maynila, iniulat ng city government na as of 12 p.m., ang air quality sa ilang lugar tulad ng Anda Circle, San Sebastian Residences, at Sta. Ana Hospital ay “unhealthy for sensitive groups,” habang sa Puregold Tayuman ay umabot sa “very unhealthy” level.

Dahil dito, pinayuhan ang publiko lalo na sa paligid ng Puregold Tayuman na iwasan ang paglabas kung hindi kinakailangan at magsuot ng face mask. Hinihikayat din ang mga bata, matatanda, buntis, at may sakit sa paghinga tulad ng hika na manatili sa loob ng bahay.

Sa Quezon City, sinabi ng lokal na pamahalaan na nananatiling “unhealthy” hanggang “very unhealthy” ang hangin base sa Air Quality Index (AQI) as of 2:00 p.m. Ayon sa kanila, maaaring dulot ito ng usok mula sa sunog sa Navotas Landfill at pinalala pa ng thermal inversion.

Pinayuhan din ang mga residente na kung lalabas ay magsuot ng face mask, lalo na ang mga vulnerable groups tulad ng seniors at buntis.

Sa Navotas, umabot sa 159 ang AQI na itinuturing na “masama sa nakararami.” Pinayuhan ang mga residente na manatili sa loob ng bahay, isara ang mga bintana at pinto, at iwasan ang hindi kailangang paglabas.

Sa Mandaluyong naman, sinabi ng lokal na pamahalaan na bagama’t generally acceptable pa ang hangin, pinapayuhan pa rin ang publiko na iwasan ang matagal na exposure sa labas. Inirekomenda rin ang paggamit ng face mask, lalo na para sa mga sensitibong grupo.

Kabilang sa mga precautionary measures ang pag-iwas sa mabibigat na outdoor activity, pag-inom ng sapat na tubig, at agad na pagpakonsulta kung may sintomas tulad ng ubo o hirap sa paghinga. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here