Home TOP STORIES Higit 3,400 nasawi sa Iran sa digmaan laban US, Israel

Higit 3,400 nasawi sa Iran sa digmaan laban US, Israel

100
0

TEHRAn, Iran – Ayon sa Foundation of Martyrs and Veterans Affairs ng Iran, umabot sa mahigit 3,400 katao ang nasawi sa digmaan laban sa United States at Israel.

Sinabi ni foundation head Ahmad Mousavi, na iniulat ng ISNA news agency, na “3,468 ‘martyrs… fell during the recent conflict.’”

Ang pahayag ay inilabas sa gitna ng dalawang linggong ceasefire sa labanang sumiklab noong huling bahagi ng Pebrero matapos ang pinagsamang US-Israeli strikes sa Tehran.

Nauna rito, iniulat ng Iranian Legal Medicine Organization noong Abril 12 na 3,375 katao na ang namatay sa digmaan.

Samantala, ayon sa US-based Human Rights Activists News Agency (HRANA), mas mataas ang kanilang tala na umaabot sa 3,636 patay, kabilang ang mga sibilyan, militar, at hindi pa natutukoy na mga biktima.

Dahil sa limitasyon sa pagpasok sa mga lugar ng labanan, hindi pa ganap na nabeberipika ng AFP ang mga bilang ng nasawi sa Iran. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here