Home METRO Pambabato sa sasakyan sa NLEX sa Pampanga, iniimbestigahan ng Pulisya

Pambabato sa sasakyan sa NLEX sa Pampanga, iniimbestigahan ng Pulisya

119
0

PAMPANGA, Philippines – Kinondena ng pulisya ang isang insidente ng pambabato sa North Luzon Expressway (NLEX) sa San Simon, Pampanga, na tumama sa sasakyan ng isang motorista.

Ayon sa Police Regional Office 3 (PRO-3), iniimbestigahan na ang insidente. Posibleng ang tumama sa sasakyan ay isang welded steel bar na nahulog o inihagis mula sa isang overpass.

Nakikipag-ugnayan na ang Pampanga Police Provincial Office sa mga lokal na istasyon ng pulis, pamunuan ng NLEX, at iba pang ahensya upang tukuyin ang mga responsable.

“We are also reviewing available CCTV footage and pursuing possible witnesses to ensure the immediate identification and arrest of the perpetrators,” ayon kay Police Col. Eugene Marcelo.

Hinihikayat ng pulisya ang publiko na maging alerto at agad ireport ang anumang kahina-hinalang gawain sa expressway o sa NLEX hotline.

Dagdag pa ng pulisya, pinalakas na ang kanilang patrols sa mga overpass, lalo na tuwing peak hours at gabi, upang maiwasan ang mga kahalintulad na insidente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here