Home METRO Buntis, bata, utas sa salpukan ng tricycle, van sa Bataan

Buntis, bata, utas sa salpukan ng tricycle, van sa Bataan

109
0

BATAAN, Philippines – Patay ang isang buntis at ang kanyang 11-taong gulang na anak noong Sabado ng hapon, Abril 18, matapos mabangga ang sinasakyan nilang tricycle ng isang closed van sa Sitio Marina, Barangay Alas-asin sa Mariveles, Bataan, Philippines.

Kinilala ng pulisya ang biktimang babae na si Kathrina Mejes, 32-anyos.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nawalan ng preno ang van at bumangga ito sa tricycle at ilang bahay sa gilid ng kalsada.

Nakaligtas ang tsuper ng tricycle matapos tumalon, ngunit nagtamo pa rin ng mga sugat.

Patuloy pang bineberipika ng mga awtoridad ang ulat na may iba pang nasugatan matapos ma-sideswipe din ng van. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here