Home METRO BFI tutol sa Boracay bridge; pag-aaral ng Malakanyang sa proyekto, ipinanawagan

BFI tutol sa Boracay bridge; pag-aaral ng Malakanyang sa proyekto, ipinanawagan

153
0

ALBAY, Philippines – Nagpahayag ng pag-aalala ang Boracay Foundation Inc. (BFI) sa planong Boracay Bridge sa liham kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahil sa posibleng epekto nito sa kalikasan at kabuhayan sa isla.

Ayon sa BFI, ang proyekto ay maaaring makasira sa natural na anyo ng Boracay Island at magdulot ng strain sa sensitibong ecosystem nito.

Kabilang sa mga isyung binanggit ay ang posibleng epekto sa coastal processes tulad ng water circulation, galaw ng buhangin, at katatagan ng baybayin—mga mahalagang salik sa pagpapanatili ng sikat na white sand beaches ng isla.

Ipinahayag din ng grupo ang pangamba sa epekto nito sa kabuhayan ng mga transport workers, tourism employees, at maliliit na negosyante na umaasa sa kasalukuyang sistema ng transportasyon.

Ayon sa BFI, mayroon nang maayos na maritime transport network ang Boracay na nagsisilbi sa mga residente at turista, kaya maaaring hindi na kailangan ang tulay.

Binatikos din nila ang kakulangan umano ng konsultasyon sa lokal na komunidad at iginiit ang kahalagahan ng mas inklusibong pakikilahok ng stakeholders bago ipatupad ang malalaking proyekto.

Nanawagan din ang grupo para sa updated, independent, at science-based Environmental Impact Assessment upang magsilbing gabay sa desisyon.

Sa kabila ng pagtutol, kinumpirma ng Office of the President na natanggap ang liham at ipinasa ito sa kaukulang ahensya para sa pagsusuri.

Binigyang-diin ng BFI na ang Boracay ay hindi lamang lugar para sa imprastruktura kundi simbolo rin ng environmental recovery, katatagan ng komunidad, at sustainable tourism. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here