Home NATIONWIDE Mga pantalan pauunlarin pa sa pagtanggap ng cruise passengers

Mga pantalan pauunlarin pa sa pagtanggap ng cruise passengers

100
0

MANILA, Philippines – Patuloy ang pagpapahusay ng mga pantalan upang masuportahan ang lumalaking bilang ng mga cruise passenger, ayon sa Philippine Ports Authority (PPA).

Ayon sa PPA, tumaas ang cruise tourism sa bansa kasabay ng pagdami ng turnaround course calls ngayon unang bahagi ng 2026.

Nakapagtala rin ang PPA ng 26 cruise calls at mahigit 76,000 pasahero mula Enero hanggang Pebrero habang umakyat sa anim ang turnaround calls sa Eva Macapagal Cruise Terminal sa Maynila mula sa dalawa noong nakaraang taon.

Sinabi ni PPA General Manager Jay Daniel R. Santiago, na patuloy rin ang pagtaas ng cruise arrival na umabot sa mahigit 226,000 noong 2025, lampas sa pre-pandemic level, kasabay ng modernisasyon at pagpapalawak ng mga port sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here