MANILA, Philippines – Patay matapos malunod ang pitong taong gulang na batang lalaki sa ilog sa isang campsite sa Antipolo City, Rizal kasabay ng isang family camping trip nitong Linggo, Abril 19.
Sa report nitong Lunes, kinilala ng Police Regional Office 4A ang biktima na si “Vin,” isang Grade 2 pupil, na tumutuloy sa campsite sa Barangay San Jose kasama ang kanyang pamilya para sa weekend outing.
Ayon sa pulisya, nawala ang bata habang kumakain ang pamilya tanghali ng Linggo.
Sinubukan siyang hanapin sa buong campsite ngunit bigo itong nakita.
Kalaunan ay hinanap ng pamilya ang bata sa kalapit na ilog malapit sa campsite at doon na nakita ang bata na wala nang malay.
Agad dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.
Handa namang magpaabot ng tulong sa pamilya ng biktima ang may-ari ng campsite. RNT/JGC