MANILA, Philippines – Nagsasagawa ng protesta ang grupong One Bangsamoro Movement, unang araw ng kanilang dalawang araw na pagtitipon sa harap ng Korte Suprema sa Maynila.
Nagpahayag ang mga tagasuporta ng mga Duterte ng kanilang panawagan sa mga kinakaharap nilang mga kaso.
Kabilang sa isinusulong ng grupo ang agarang pagdinig at paglabas ng desisyon sa habeas corpus petition na inihaing ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, gayundin ang impeachment case ni Vice President Sara Duterte.







