Home NATIONWIDE Tsunami tumama sa Northern Japan!

Tsunami tumama sa Northern Japan!

104
0

JAPAN – Tumama ang 80 sentimetro ng tsunami sa Kuji Port sa Iwate Prefecture, Japan kasunod ng magnitude 7.5 na lindol sa Sanriku, Iwate Prefecture nitong hapon ng Lunes, Abril 20.

Tumama naman ang 30 sentimetro ng tsunami sa Hachinohe Port sa Aomori Prefecture at 20 sentimetro ng tsunami sa Urakawa, Hokkaido at Ishionmaki Ayukawa sa Miyagi Prefecture.

Inaasahan na may matataas pang tsunami ang kasunod ng mga naunang pagtama.

Samantala, nag-isyu ang Japan Meteorological Agency ng tsunami warning para sa Iwate Prefecture at bahagi ng Hokkaido at Aomori kung saan tsunami na hanggang tatlong metro ang taas ang inaasahan.

Nag-isyu rin ng tsunami advisory sa Hokkaido, Aomori, Miyagi at Fukushima prefectures kung saan posible rin ang tubig na hanggang isang metro ang taas sa mga nabanggit na lugar. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here