PAMPANGA, Philippines – Muling nakasabat ang Bureau of Customs (BoC) Port of Clark, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at CRK-IAFAID ang tinatayang halos 5 kilong suspected shabu na nagkakahalaga ng mahigit P33-Milyon na isiniksik umano sa mga parcel na dumating sa naturang paliparan.
Nadiskubre ng mga awtoridad ang mga kontrabando na nakapalaman umano sa limang (5) parcel matapos sumailalim sa x-ray scanning at isinagawang actual inspection ng Customs.
Bunsod nito, agad naglabas ng Warrant of Seizure and Detention ang Customs laban sa mga nasabing shipment dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Law. (ROEL TARAYAO)