Home HOME BANNER STORY 12-anyos na batang babae patay sa police ops

12-anyos na batang babae patay sa police ops

114
0

MANILA, Philippines – Napatay ang 12-anyos na batang babae sa isang operasyon ng pulisya na nauwi sa barilan sa Barangay Labangal, General Santos City.

Ayon sa ulat, nagpatuloy umano sa pagpapaputok ng baril ang mga awtoridad sa loob ng residential area sa kabila ng panawagan ng mga residente na tumigil na dahil may mga bata sa lugar.

Isinisilbi ng pulisya ang warrant sa suspek sa loob ng bahay sa Purok Pandian noong Sabado nang magpaputok naman ang lalaki.

Nauwi ito sa barilan at natigil lamang nang tamaan ang suspek na isang 42-anyos na mekaniko at idineklarang dead on the spot.

Sa kabila nito, natagpuan naman ang 12-anyos na babae sa kama ng isang kalapit na bahay na may tama rin ng bala ng baril na pinaniniwalaang mula sa kalibre 45 na baril ng suspek.

Ayon sa lola ng biktima, nagtago sa ilalim ng kama ang Grade 4 student kasama ang iba pang bata nang tamaan ito sa ulo na tumagos pa sa leeg nito.

Umapela naman ng hustisya ang pamilya ng biktima kasunod ng pangyayari.

Sinabi naman ng General Santos City na sinisiguro nito ang kaligtasan ng mga residente sa mga operasyon.

Iimbestigahan kung nagsagawa ng due diligence ang mga awtoridad sa pagprotekta sa mga sibilyan lalo na’t nangyari ang insidente sa isang residential area.

Samantala, isinuko na ng tatlong rumespondeng pulis ang kanilang mga armas para sa forensic examination.

Lumitaw naman sa inisyal na findings ng Police Regional Office 12 na ang balang tumama sa biktima ay posibleng mula sa armas ng suspek batay sa trajectory nito.

Naglunsad na ng motu propio investigation ang Philippine National Police Internal Affairs Service para matukoy kung may kakulangan sa bahagi ng mga rumespondeng pulis.

Nakikipag-ugnayan na ang Commission on Human Rights is sa National Bureau of Investigation para masiguro naman ang impartial ballistic examination. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here