Home NATIONWIDE Kable na nagpapagana sa Mayon monitoring station ng PHIVOLCS pinutol, ninakaw

Kable na nagpapagana sa Mayon monitoring station ng PHIVOLCS pinutol, ninakaw

79
0

MANILA, Philippines – Ninakaw ang mga kable na ginagamit para sa real-time monitoring data communications sa Bulkang Mayon sa Albay, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Miyerkules, Abril 22.

Ayon sa PHICOLCS, ang mga kable ay nadiskubreng putol na at ninakaw matapos ang isang routine maintenance activity ng mga tauhan ng Mayon Volcano Observatorysa Ligao Observation Station (VMLI) sa Paulog, Ligao City, Albay.

Kabilang sa mga ninakaw na kable ay ang anim na metrong solar cables, tatlong metrong battery cables, limang metro ng liquid-tight conduit cables, at tatlong metro ng LAN/FTP cables.

“These items are essential to VMLI’s autonomous power generation, supply and storage and real-time volcano monitoring data communications,” saad sa pahayag ng Phivolcs.

Kung wala ang mga kableng ito ay magiging non-operational ang VMLI.

Sa ilalim ng Republic Act 10344 o Risk Reduction and Preparedness Equipment Protection Act of 2012 ay may parusa ang “unauthorized taking, stealing, keeping or tampering of government risk reduction and preparedness equipment, accessories and similar facilities.”

Dahil dito ay nanawagan ang PHIVOLCS sa lokal na pamahalaan at mga komunidad sa paligid ng Mayon na panatilihing ligtas ang mga pasilidad at isumbong kung may makitang magnanakaw ng mga kagamitan.

Ayon sa PHIVOLCS, mula nang mapagana ito noong Hulyo 2019 ay nakapagbibigay ang VMLI ng kritikal na datos para matukoy ang mga volcanic earthquake at maunawaan ang aktibidad ng Bulkang Mayon.

Nakaposisyon din ang istasyong ito para imonitor ang posibleng mga lindol sa kalapit na fault line sa Bicol Peninsula. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here