Home NATIONWIDE Chairwoman sa Maynila inireklamo ng pang-aabuso

Chairwoman sa Maynila inireklamo ng pang-aabuso

98
0

MANILA, Philippines – Inireklamo ng kasong paglabag sa Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act ang isang Barangay Chairwoman sa Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ng Manila Police District Women and Children Protection Desk, nangyari ang insidente alas 10:45 ng gabi noong Abril 19.

Ayon sa reklamo, nasa labas ng kanilang bahay ang biktima na isang walong taong gulang na bata nang dumating ang ilang opisyal ng barangay kasama ang chairwoman.

Sakay ng patrol vehicle at tinangka umanong isinakay nang pwersahan ng kapitana ang biktima.

Nakiusap naman ang magulang ng biktima sa mga opisyal ng barangay na huwag ituloy ang gagawin sa bata na noo’y patuloy ang pag-iyak dahil sa takot.

Dahil dito ay nagreklamo ang ama ng biktima na agad namang tinugunan ng pulisya na humantong sa pag-aresto sa 63-anyos na barangay chairwoman. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here