Home HOME BANNER STORY DOJ, patungong Czech Republic para sa pagbabalik ni Zaldy Co sa Pilipinas

DOJ, patungong Czech Republic para sa pagbabalik ni Zaldy Co sa Pilipinas

140
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Justice na tutulak ngayong araw sa Czech Republic sina Justice Secretary Fredderick A. Vida, kasama si Chief State Counsel Dennis Chan, upang makipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Czech Republic hinggil sa kaso ng dating kongresista na si Elizaldy ‘Zaldy’ Co.

Layon ng misyong ito na simulan ang pormal na diyalogo sa naturang bansa at tuklasin ang lahat ng legal na hakbang para sa pagbabalik ni Co sa Pilipinas upang harapin ang mga kasong nakabinbin laban sa kanya sa Sandiganbayan.

Kabilang sa mga legal na hakbang na ito ang deportation, extradition, at ang paggamit ng United Nations Convention Against Corruption, na kapwa nilagdaan ng Pilipinas at Czech Republic.

Nauunawaan ng pamahalaan ng Pilipinas na ito ay usaping may kinalaman sa mga lokal na batas, prosesong hudisyal, at regulasyon sa data privacy ng isang soberanong estado.

‘We approach this engagement with full respective for Czech legal procedures and with the understanding that the process may require time to complete properly’, ayon sa DOJ

Ipinaalala rin ng justice department sa publiko na habang nakatuon ang pamahalaan sa pagsusulong sa lahat ng lehitimong legal na remedyo, ang timeline at paraan ng pagbabalik ni Co ay nananatiling nakadepende sa patuloy na talakayan at sa mga angkop na proseso sa ilalim ng batas ng Czech Republic at pandaigdigang batas.

Nanatili namang matatag ang DOJ sa mandato nitong tiyakin na ang dating mambabatas ay mapanagot sa harap ng mga hukuman ng Pilipinas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here