Home OPINION PBBM DAPAT SUMAGOT SA DRUG TEST, KIKBAK

PBBM DAPAT SUMAGOT SA DRUG TEST, KIKBAK

155
0

MAGKASUNOD ang malalaking isyung nakapalibot kay Pangulong Bongbong Marcos ngayon.

Una, pinasasagot siya ng Supreme Court (SC) sa petisyong ilahad nito sa publiko ang kanyang kasalukuyang kalagayan sa kalusugan at isailalim nito ang sarili sa hair follicle drug test.

Ikalawa, tila siya ang pinatutungkulan ni ex-Speaker Martin Romualdez nang pumalag ito sa palagay niya’y ginagawa siyang scapegoat o sangkalan sa pinakamalaking kikbakan sa flood control projects sa kasaysayan sa Pinas.

DAPAT MAGPA-DRUG TEST

Mahigit isang linggo na ang nakararaan, isinampa nina Pantaleon Alvarez, Virgilio Garcia, Juan Rana at Raymundo Junia ang petisyon para sa kalusugan at hair follicle drug test at kamakalawa, iniutos ng SC kina Marcos at Executive Secretary Ralph Recto na sumagot sa loob ng 10 araw.

Tatandaang mapagpasya ang usaping pangkalusugan sa kakayanan ng katulad ni Marcos bilang pinuno na mamahala ng bansa.

Unang inamin nitong may diverticulitis siya na maaaring nakamamatay sa seryosong antas nito.

Ilang araw rin siyang hindi nagpakita kamakailan ngunit nag-jogging at nag-jumping jack siya nang magpakita nitong ilang araw lamang at nagbuhat pa ng isang kalahating kabang bigas sa habang namimigay ng ayudang bigas, kasama si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.

Pero higit dito ang problema sa kalusugan at nauugat ito sa paniniwalang lulong ito sa iligal na droga.

Pinakamabigat na batayan dito ang pahayag mismo ni Senador Imee Marcos na adik si Marcos at katunayan, ginawa ni Imee ang pahayag sa publiko at itinaon sa rali ng Iglesia ni Cristo laban sa korapsyon nitong nakaraang taon.

Bago nito, mismong si dating Pangulong Digong Duterte ang naglabas ng pasaring laban kay Marcos ukol dito.

EXECUTIVE DEPARTMENT ANG SANGKOT

Sa kanyang pagpapabulaan sa kasong pandarambong at katiwalian na isasampa laban sa kanya ni Ombudsman Crispin Remulla kaugnay ng daan-daang bilyong pisong anomalya sa flood control projects, mariing inihayag ni Romualdez na ang “Executive Department” ang sangkot dahil ito ang nagpapatupad ng mga proyekto na may mga anomalya at kikbakan.

Inihayag din niyang “marami siyang nalalaman sa administrasyong ito (Marcos)” at hindi siya papayag na gawin siyang sangkalan o scapegoat sa katiwaliang gawa ng iba.

Bagaman hindi tuwirang binanggit ni Romualdez si Marcos, ang huli ang pinaniniwalaan ng iba na tinubumbok ng una na nauugnay sa “Executive Department” bilang pinuno ng may hawak sa pagpapatupad ng maiiskandalong proyekto.

DAPAT NA SUMAGOT

Dapat talagang sagutin ni Marcos ang katanungan ukol sa kanyang kalagayan pangkalusugan dahil maaapektuhan ang kanyang pamumuno sa bansa kung may malala siyang sakit.

Ngunit, higit na nakababahala ang akusasyong gumagamit siya ng bawal na gamot na bukod sa nakamamatay at nakasisira ng ulo, maituturing din itong isang krimen na may takdang parusang pagkabilanggo sa Article II, Unlawful Acts and Penalties, Section 15. Use of Dangerous Drugs ng “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Sa hair follicle test malalaman kung user ang isang tao at dito dapat sasagot ang Pangulo…kung magdesisyon ang SC na utusan siyang magpa-drug test.

Kaugnay sa pahayag ni Romualdez sa flood scandal scam, marahil maganda kung sasagot mismo ang Pangulo…kung siya ang pinatutungkulan o hindi.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here