Home OPINION IMPEACH SA KAMARA SAAN KAYA HAHANTONG?

IMPEACH SA KAMARA SAAN KAYA HAHANTONG?

140
0

NATAPOS nang ideklara ng House Committee on Justice o HCJ ang sufficiency in form and substance ng mga impeachment complaint ni Vice President Sara Duterte noon pang Marso 4, 2026.

Gayunman nagpapatuloy pa rin ito para mabigyan ng pagkakataon si VP Sara na ipagtanggol ang sarili at kontrahin ang complaint at pagkatapos nito, dapat lalabas na kung may probable cause o wala ang mga kaso.

May probable cause ang complaint kung may ebidensyang magtitiyak ng rasonableng deklarasyon na guilty ang isang respondent o akusado.

Susunod na sa pagkakaroon o kawalan ng probable cause ng pagsasampa ng mga kaso sa plenaryo para pagdebatehan at pagbotohan sa plenaryo o lahat ng kongresman na maaaring susuporta o babaliktad sa findings ng HCJ.

Ang prosesong ito ang ginawa sa mga kasong impeachment laban kay Pangulong Bongbong Marcos at ibinoto ng plenaryo ang pagsibak sa impeachment batay sa kawalan ng sustansya.

At kahit sapat sa porma at sustansya ang complaint at may probable cause, pwedeng baliktarin ito sa plenaryo.

Ngayon naman, habang umuusad ang pagdinig sa HCJ at nangangalap ito ng ebidensya bilang dagdag o “improvement” sa mga orihinal na ebidensya na isinumite ng mga complainant, nagsampa ng kaso ang kampo ni VP Sara sa Supreme Court o SC sa rasong labag sa Konstitusyon at batas ang “pangingisda” ng CHJ sa halip na dumepende lang sa mga orihinal na ebidensya na isinumite ng mga complainant.

Agad namang pinasagot ang HCJ dito ngunit hindi agad naglabas ang SC ng temporary restraining order.

Isa pa, malaking katanungan din kung pupwedeng isama ang mga rekord sa labas nang pag-upo ni VP Sara bilang impeachable officer simula nang nanumpa siyang VP noong Hunyo 19, 2022.

Tanong: Ano kaya ang magiging desisyon ng SC dito?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here