Home NATIONWIDE 2 tauhan ng PCG na naaresto sa iligal na droga sa Cebu...

2 tauhan ng PCG na naaresto sa iligal na droga sa Cebu at Davao, sinuspinde

108
0

MANILA, Philippines – Dalawang personnel na naaresto sa magkahiwalay na Anti-illegal drugs operation sa Cebu at Davao City ang pinatawan na preventive suspension ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ang aksyon ng PCG ay upang masiguro ang patas at mabilis na imbestigasyon kasunod ng pagkakaaresto sa kanilang mga tauhan ayon kay PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil L Gavan.

Nakatalaga sa Coast Guard Fleet ang isa sa naarestong tauhan nito na may ranggong Apprentice Seaman a matapos maaresto sa buy bust operation sa Barangay Mababang, Cebu City noong April 2.

Isang Petty Officer Third Class na nakatalaga sa Human Resource Management Unit ng Coast Guard District Southeastern Mindanao ang naaresto rin sa hiwalay na anti-illegal drug operation sa Barangay Sasa, Davao City, noong April 23.

Kung mapatunayang guilty ang mga naaresto, sinabi ni PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab na mahaharap ito sa kasong kriminal at administratibo kabilang na ang dismissal sa serbisyo at pagtanggal sa kanilang benepisyo.

Paalala ni Gavan, ang naturang pangyayari ay magsilbi sanang maliwanag na babala sa lahat ng kanilang mga opisyal at tauhan na hindi nila kukunsintehin ang anumang iligal na aktibidad na kanilang kinasaaangkutan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here