Home NATIONWIDE Navotas Landfill fire, kakalkalin ng Senado; solid waste management system, rerebyuhin

Navotas Landfill fire, kakalkalin ng Senado; solid waste management system, rerebyuhin

103
0

MANILA, Philippines – Muling iginiit ni Senador Risa Hontiveros ang pagsasagawa ng kumprehensibong rebuy sa implementasyon ng Solid Waste Management System Act saka iimbestigahan kung tinupad ng Navotas ang batas vs nangyaring sunog sa landfill kamakailan.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na muling susuriin ng Senado ang RA 9003 na nagbibigay burador sa pangangasiwa ng solid waste kabilang ang amendments sa batas matapos magkaroon ng ilang araw na sunog sa Navotas Landfill.

“For days, residents in the CAMANAVA area, some other areas in NCR, and even as far as Bataan have been exposed to unhealthy air quality that was never supposed to pose this kind of danger. This incident is deeply alarming,” ani Hontiveros.

Noong nakaraang Pebrero, inihain ni Hontiveros ang Proposed Senate Resolution No. 285 na naglalayong paimbestigahan ang sistematikong kabiguan national solid waste management framework matapos ang Insidente sa Binaliw landfill sa Cebu City.

“Ito mismo ang nais nating maiwasan nang ihain natin ang PSN 285. Hindi na dapat nauulit ang ganitong mga insidente. Ang tunay na trahedya ay kung wala tayong gagawin para ayusin ang malinaw na lapses sa ating solid waste management system,” aniya.

Sinabi pa ni Hontiveros na hindi isolated incident ang Navotas landfill fire dahil nasasalamin dito ang kabiguan sa regulasyon at pamamahala ng basura tulad ng nangyari sa Cebu City na gumuho ang landfill at sa Rodriguez, Rizal na resulta ng patuloy na paggamit ng landfills.

“Our laws are clear. Landfills are meant to be the last resort and not the default solution. But gaps in the implementation of waste reduction, segregation, and recycling at the local level continue to push large volumes of waste into landfills,” aniya.

Pinuna din ni Hontiveros ang puwang gamit ang Sec. 16.1 ng Department of Environment and Natural Resources Administrative Order No. 2017-15, na naglilimita sa Multipartite Monitoring Teams (MMT) to Environmentally Critical Projects. “The classification of landfills below a certain capacity to Non-ECPs or Category B projects ensured that many in the country escaped regular monitoring and oversight.”

“Kung mahina ang monitoring, may nakakalusot talaga na paglabag sa environmental standards. Dapat tiyakin ng DENR na ang mga obligasyon sa ilalim ng ECC, kabilang ang tamang pagsasara at rehabilitasyon ng mga landfill, ay mahigpit na naipatutupad,” ani Hontiveros.

Kaya’t iginiit ni Hontiveros ang bigyang prayoridad ang imbestigasyon sa ilalim ng PSN No. 285 upang matiyak na may mananagot, palakasin ang pagpapatupad ng batas at maiwasan ang katulad na Insidente sa hinarahap.

“Hindi na ito simpleng usapin ng waste management. Nakasalalay dito ang kalusugan ng mamamayan, ang kalikasan, at ang kaligtasan ng ating mga komunidad. Kailangan na natin ng agarang aksyon bago pa muling maulit ang trahedya sa ibang lugar,” giit ng senadora. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here