Home NATIONWIDE Airconditioned waiting area inilunsad ng LRT-1 sa Baclaran Station

Airconditioned waiting area inilunsad ng LRT-1 sa Baclaran Station

87
0

MANILA, Philippines – Inilunsad ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang airconditioned na waiting room sa istasyon ng LRT-1 Baclaran upang maging maginhawa ang pakiramdam ng mga pasahero sa gitna ng mainit na panahon.

Ayon sa LRMC, ang proyektong ito ay naglalayong magbigay ng agarang tulong sa mga pasahero at gawing mas komportable ang kanilang paglalakbay.

Ang waiting room ay bukas sa lahat ng pasahero, na may prayoridad para sa mga senior citizen, buntis, at mga may espesyal na pangangailangan.

Ayon kay LRMC President at CEO Enrico Benipayo, layon na patuloy na maghanap ng mga paraan upang gawing mas maginhawa ang araw-araw na paglalakbay ng aming mga pasahero.

Dagdag pa, ang bagong air-conditioned space na ito ay isang simpleng hakbang ngunit mahalaga para magbigay ng karagdagang ginhawa, lalo na ngayong mainit na mga buwan ng tag-init.

Ayon pa kay Benipayo, nananatili silang dedikado sa pagpapabuti ng pasilidad ng kanilang mga istasyon at sa pagtiyak na ang mga pasahero ay nararamdamang pinahahalagahan at inaalagaan habang naglalakbay sa LRT-1.

Bukas ang istasyon para sa lahat ng pasahero na may prayoridad para sa mga senior citizen, buntis, at mga taong may espesyal na pangangailangan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here