Home NATIONWIDE 2 HVI timbog sa P20.4M shabu sa Zamboanga

2 HVI timbog sa P20.4M shabu sa Zamboanga

78
0

MANILA, Philippines – Naaresto ng mga awtoridad ang dalawang high-value individual sa operasyon ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Biyernes, Abril 24 sa Barangay Cabatangan, Zamboanga City.

Ang operasyon na pinangunahan ng PDEA RSET 1 ay sinuportahan ng PDEA RSET 2, PDEA Zamboanga City Office (ZCO), DI TOW-WM PAF, at Naval Intelligence and Security Group (NISG).

Naaresto sa operasyo sina alyas Rudy, 39-anyos, at residente ng Bongao, Tawi-Tawi; at alyas “Boss Al”, 28-anyos, at residente ng Barangay Dao, Pagadian City.

Nasamsam ng mga awtoridad ang tatlong kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P20,400,000. Ang mga iligal na droga ay inilagay sa tatlong vacuum-sealed transparent plastic packs.

Narekober din sa operasyon ang iba’t ibang non-drug evidence kabilang ang buy-bust money, boodle money, identification cards, bag, itim na Toyota Fortuner, at bank deposit slip.

Nahaharap ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Section 5 ng Republic Act No. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here