Home METRO P714K shabu nasamsam sa HVI suspects sa Angeles City

P714K shabu nasamsam sa HVI suspects sa Angeles City

95
0

MANILA, Philippines – Naaresto ng mga awtoridad ang dalawang suspek at nakumpiska ang P714,000 shabu sa buy-bust operation sa Barangay Sta. Trinidad, Angeles City nitong Huwebes ng gabi, Abril 23.

Sa pahayag, sinabi ng Police Regional Office 3 (PRO3) na ang dalawang naarestong suspek ay “high-value individuals” sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Isinagawa ang operasyon ng Angeles City police drug enforcement unit, police station 2, at Philippine Drug Enforcement Agency-Pampanga bandang 8:10 ng gabi sa
Miranda Street Extension ng naturang barangay.

Sasampahan ng reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here