Home NATIONWIDE Power consumers hinimok ng DOE na lumahok sa weekly power-saving activity

Power consumers hinimok ng DOE na lumahok sa weekly power-saving activity

84
0
Nakiisa ang mga residente ng Quezon City sa pagdiriwang ng Earth Hour sa pamamagitan ng pagpapatay ng mga hindi kailangang ilaw at appliances mula 8:30 ng gabi hanggang 9:30 ng gabi.Ang simpleng hakbang na ito ay nagsisilbing makabuluhang ambag at pagpapakita ng suporta sa pandaigdigang laban kontra climate change at global warming. DANNY QUERUBIN

MANILA, Philippines – Maaaring makatulong na makapagtipid ng kuryente at matugunan ang isyu sa suplay ng langis sa kaguluhan sa Middle East ang mga consumer kung lalahok sila sa isang oras na Oras Nation on Efficiency (ONE) activity mula alas-8 ng gabi hanggang alas-9 ng gabi simula ngayong Sabado, Abril 25.

Ang weekly activity ang isa sa mga programa ng Department of Energy (DOE) na target mapababa ang paggamit ng kuryente matapos makakuha ng suporta mula sa taunang Earth Hour, ayon kay DOE Energy Utilization Management Bureau Director Patrick Aquino.

“In the current state of national emergency, ONE is aimed to encourage our citizens to be part of the solution,” ani Aquino.

Sinabi niya na nasa 145 megawatts ang natipid sa Earth Hour noong Marso 28 na sapat para suplayan ng kuryente ang isang milyong tirahan.

Aniya, ang pagpapatay at pagbunot ng mga appliance na hindi ginagamit ay malaking tulong para matugunan ang hindi wastong paggamit.

Umaasa si Aquino na marami pang consumer ang lalahok sa aktibidad na ito.

“It is not only the government that will implement this. We hope to bring participants from the private sector and cause-oriented groups in the coming days,” dagdag pa niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here